Calendar
2025 nat’l budget lalagdaan ni PBBM bago mag-2025
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malalagdaan ang 2025 national budget bago matapos ang taong 2024.
Sa ambush interview sa Pasay City, sinabi ni Pangulong Marcos na wala kasi sa procedure na ibalik sa Bicameral Conference Committee ang inaprubahang budget na aabot sa P6.352 trilyon.
Kaya sabi ni Pangulong Marcos, kailangang busisiin ng mabuti ang budget.
“Wala sa procedure yan, there is no procedure to return it to the bicam. It’s finished already in the House, it’s finished already in the… It’s finished in Congress, tapos na. So it’s up to us now to look at the items and to see what are appropriate, what are relevant, and what are the priorities,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Ayon kay Pangulong Marcos, marami ang nabago mula sa orihinal na budget request at kinakailangan na maibalik ito sa dati.
“I am only left now with the veto power. Because tapos na sa bicam, so na approve na ng House, na approve na ng Senado. Now it’s up to us on how we regain control of the spending program,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Una nang sinabi ng Palasyo ng Malakanyang na lalagdaan ni Pangulong Marcos ang budget sa Disyembre 20 subalit hindi na matutuloy.
“But I want to be very very sure that the budget for 2025 is directed at the important projects that we have prioritized, number one. And secondly, that there is a stronger safeguards on spending for the different projects,” pahayag ni Pangulong Marcos
“Baka mag aassess na naman tayo ng mga project project na pinasok dahil insertion, sa insertion. Because yung insertion na ginawa ay hindi naman kasama yun sa budget request eh. So ano ngayon yang mga yan. Talaga bang kailangan? Baka yung iba hindi naman kailangan, pwedeng idefer. Yung iba wala masyadong,” dagdag ni Pangulong Marcos.
Tinutukan ni Pangulong Marcos ang mga project proposals na walang kaukulang program of work, walang documentation, hindi maliwanag kung saan pupunta ang pera at iba pa.
“Kailangan maging maingat na maingat tayo kasi yung ginagastos dyan, eh karamihan, hindi naman karamihan pero meron dyan utang yan.
Kaya’t kailangan mapunta sa tama para mabayaran natin yung utang, makabawi naman tayo dun sa ginastos natin dun sa inutang natin. And that’s what we are trying to clarify now,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa P10 bilyong pondo ang tinapyas ng Kongreso sa Department of Education.
Wala ring inilaan ang Kongreso na budget para sa subsidiya ng PhilHealth.