Speaker Romualdez BPSF SURIGAO DEL SUR – Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kasama si Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec” Pimentel, 2nd District Rep. Johnny Pimentel at Bislig City Mayor Florencio Garay, ang ceremonial turnover ng assistance packages at serbisyo mula sa iba-ibang ahensya ng gobyerno sa paglungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) umaga ng Biyernes sa De La Salle John Bosco-Open Field, Bislig City, Surigao Del Sur. Photos ni VER NOVENO

2nd BPSF sa Surigao del Sur nagbuhos ng P560M ayuda, serbisyo, program

101 Views

Speaker Romualdez Speaker Romualdez Speaker RomualdezPUMUNTA ng Surigao del Sur ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) dala ang may P560 milyong halaga ng financial assistance, serbisyo at programa para sa may 90,000 benepisyaryo

Ito na ang ikalawang probinsya sa CARAGA region na binisita ng BPSF.

Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kumatawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagbubukas ng BPSF noong Hunyo 21 sa De La Salle John Bosco College-Open Field, kung saan may 10 ahensya ang dumalo sa ceremonial turnover ng mga benepisyo sa ilalim ng 14 na programa ng gobyerno.

“Masaya po tayo’t nakaulayaw natin ang mga Surigaonon sa ating BPSF sa Surigao del Sur para ipaalala sa kanila at iparamdam na ang gobyerno na ni Pangulong Bongbong Marcos ang lumalapit sa kanila para magserbisyo, magpatupad ng iba’t ibang programa at ilapit ang tulong sa mga nangangailangan,” ani Speaker Romualdez, na siyang lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.

“Ito ang sagot natin sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ilapit ang pamahalaan sa mga mamamayan. Ngayon, ang pamahalaan na ang lumalapit sa mamamayan at naglilingkod sa abot ng aming makakaya,” saad pa niya.

“Mahal ni Pangulong Marcos Jr. ang Mindanao, at ang patuloy na pagsasagawa ng BPSF sa mga lalawigan dito ay patunay na hindi maiiwan sa programa’t serbisyo ang ating mga kapatid na taga-Mindanao,” paglalahad pa ni Speaker Romualdez.

Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr., isa sa mga pinuno ng BPSF National Secretariat, ang BPSF sa Surigao del Sur ang ika-20 yugto ng Service Caravan sa buong Pilipinas.

“It is the second in CARAGA Region after Agusan del Norte, and the 9th in the whole of Mindanao with Zamboanga City, Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat, Davao de Oro and Tawi-Tawi,” ani Gabonada.

“This brings the BPSF in Mindanao to almost half of all the Service Caravans held throughout the country,” dagdag pa nito.

Nagsilbing local host ng BPSF Surigao del Sur sina Rep. Johnny T. Pimentel at Gov. Alexander “Ayec” T. Pimentel. Nasa mahigit 70 miyembro naman ng Kamara ang nakibahagi sa dalawang araw na Service Caravan.

Nasa 46 ahensya ng pamahalaang nasyunal na may dalang 217 serbisyo ang ipinagkaloob sa may 90,000 na benepisyaryo sa Surigao del Sur. May kabuuang halaga itong P560 milyon kung saan P244 milyon ang tulong pinansyal.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magsasagawa ng mga payout sa lalawigan para ibahagi sa may 64,000 benepisyaryo ang P216 milyong halaga ng tulong.

Kasama rin sa aktibidad ang pamamahagi ng scholarship programs ng Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na may dala ring tulong pangkabuhayan sa mga natukoy na benepisyaryo sa buong lalawigan ng Surigao del Sur.

Bilang patotoo sa bansag na “Mr. Rice,” pinangunahan ni Speaker Romualdez ang distribusyon ng 95,000 kilo ng bigas sa mga kuwalipikadong benepisyaryo sa probinsya.

“Hindi na mawawala ang distribution ng bigas sa ating mga BPSF dahil naniniwala tayo na ang bigas ay buhay. Ginagawa ng inyong pamahalaan ang lahat para mapababa ang presyo ng bigas para sa ating mga pamilyang Pilipino,” wika ni Speaker Romualdez.

Isang libreng Pagkakaisa Concert din ang idaraos sa Bislig City Baywalk gabi ng Biyernes kung saan nasa 10,000 indibidwal ang inaasahang dadalo.