3 sangkot sa marriage annulment scam nasakote

135 Views

NASAKOTE ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki na sangkot umano sa marriage annulment scam.

Kinilala ang mga suspek na sina Carl Reyes, at ang mag-live-in partner na sina Marco Norega at Rona Castillo.

Ipinapangako umano ng mga suspek na gagawing single ang civil status ng mga may-asawa na.

Naaresto umano si Reyes sa isang mall sa Pasay City habang nag-aalok ng kanilang serbisyo sa isang poseur-client na burahin ang rekord ng kanyang kasal sa Philippine Statistical Authority (PSA) kapalit ng P180,000.

Humingi umano ng 75 porsyentong down payment ang suspek na hinuli matapos tanggapin ang marked money.

Nahuli naman sina Norega at Castillo sa Bacoor, Cavite. Ang inaalok umano ng dalawa ay pagiging single ng isang may-asawa na sa halagang P70,000. Kung gagawin umanong parehong single ang mag-asawa ang presyo ay P250,000.

It said Norega and Castillo offered the poseur-client the two options in becoming single: for P70,000, one of the parties in the marriage becomes single, while the other remains married; or, for P250,000, both parties in the marriage become single.