Mariano

3 tauhan ng PAF patay, 1 sugatan sa aksidente sa sasakyan

241 Views

TATLONG tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang sasakyan sa sementadong harang sa busway sa EDSA, Quezon City nitong Biyernes.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Col. Maynard Mariano, hepe ng Public Affairs Office (PAO) ng PAF.

Aniya, naganap ang insidente dakong 3:50 ng madaling araw sa kahabaan ng EDSA Santolan sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa ulat, lulan ang mga biktima ng isang Honda City na biglang sumalpok sa kongretong harang sa Edsa.

Matapos bumangga ang sasakyan ay bigla na lamang itong nagliyab ana naging sanhi ng pagkasawi ng tatlong tao ag pagkasugat ng isa pa.

“The accident involved four (PAF personnel, wherein three were confirmed dead. The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment.” Pahayag Mariano.

Dagdag pa niya, iniimbestigahan na ngayon ang aksidente at nakikipag-ugnayan na ang PAF sa mga kaukulang awtoridad para bigyang linaw ang usapin.

“This accident is under investigation and no details yet as to the circumstances which led to this event. The PAF is coordinating with proper authorities on this investigation.” Mariano concluded.

Ni ZAIDA DELOS REYES