Megalotto

Mananaya sa Baguio City wagi ng P62.7M jackpot prize ng Mega Lotto 6/45

504 Views

ISANG mananaya sa Baguio City ang nanalo ng P62.7 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 31 – 30 – 06 – 04 – 29 – 16 sa bola ng 6/45 noong Biyernes ng gabi.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 51 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

May 2,279 mananaya na nanalo ng tig-P1,000 matapos makuha ang apat na numero at tig-P30 naman ang tinamaan ng 35,688 na nakatatlong numero.