Sara Duterte

Kalaban nina BBM, Sara halos walang makukuhang boto sa Zambales

485 Views

HALOS wala umanong makukuhang boto ang mga kalaban nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte sa Zambales.

Ayon kay Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane Jr. “halos unanimous” ang makukuhang boto nina Marcos at Duterte sa kanilang probinsya.

Sinabi ni Ebdane na nagtanong-tanong sila sa mga taga-probinsya kung sino ang kanilang iboboto at karamihan sa mga ito ay Marcos at Duterte ang isinagot.

“We’re not telling them to vote for whom. When we asked them, who will be their candidates and then, its obvious…Maybe I would say at this time if elections will be held this time, no doubt. It’s a runaway victory,” sabi pa ni Ebdane.

Pumunta si Duterte sa Zambales ngayong Linggo kung saan pinangunahan nito ang pagbubukas ng headquarters at pakikipag-usap sa mga senior citizens.