DILG

38 lugar itinuturing na eleksyon hotspots

Chona Yu Oct 22, 2024
132 Views

AABOT sa 38 na lugar sa bansa ang itunuturing na election hotspots.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na sa naturang bilang, 27 ang nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Remulla, mainit ang labanan sa pulitika sa 38 na lugar para sa May 2025 elections.

Dagdag ni Remulla, isa rin sa mga hotspot ang Albuera na nasa ikatlong Distrito ng Leyte.

Matatandaang Nobyembre 20016 napatay ang mayor ng Albuera na si Rolando Espinosa dahil sa umano’y pagkakadawit sa operasyon ng illegal na droga.

Kandidato naman sa pagka-mayor ngayong eleksyon ang anak nitong self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na una nang nakulong dahil sa illegal na droga.

Makakalaban ni Espinosa si incumbent Mayor Sixto dela Victoria.