NHA

3K katao nakinabang sa NHA caravan sa Laguna, Bulacan

Jun I Legaspi Mar 24, 2025
59 Views

MAHIGIT 3,000 benepisyaryo ang nakilahok sa people at housing caravan ng National Housing Authority (NHA) sa Laguna at Bulacan.

Hindi bababa sa 2,200 kalahok mula sa Southville 1 at Southville 4, sa mga Brgy. Marinig, Niugan, Banaybanay at Caingin ang nakinabang mula sa 26 na ahensya na naroroon sa people’s caravan.

Ang mga dumalo nakilahok sa job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office (PESO) at sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Science and Technology (DOST) nagbigay ng mga demonstrasyon sa pagsasanay sa kasanayan at mga programa sa scholarship.

Ang Philippine National Police (PNP) nagsagawa ng medical at dental mission, at mga serbisyo sa police clearance; ang Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) namahagi ng libreng mga binhi/punla, nagsagawa ng mga demonstrasyon sa pagsasanay, at pinadali ang rehistrasyon ng mga magsasaka.

Ang Agricultural Training Institute (DA-ATI) ng ahensya nag-alok ng lecture sa Urban Agriculture Technical Consultancy.

Ang DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nagbigay ng sesyon sa produksyon ng asin, mga ornamental na isda, at mga produktong KADIWA.

Sa kabilang banda, ang Laguna City Agriculture Office at ang National Dairy Authority (NDA) namahagi ng mga libreng mga binhi, mga produktong gatas, at pagsasanay.

Ang Laguna City Cooperative and Livelihood Development Office nagsagawa ng training needs analysis. Ang mga serbisyo sa konsultasyon ay ibinigay ng mga social workers sa ilalim ng Laguna CSWDO.

Ang libreng serbisyo sa internet at libreng pagsasanay tungkol sa cyber security, digital literacy, at basic graphic design isinagawa ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ang Public Attorney’s Office (PAO) nag-alok ng libreng legal assistance at simpleng mga serbisyo sa notarial/affidavit.

Ang Department of Trade and Industry (DTI) nagbigay ng Barangay Micro Business Enterprise Registration, business consultancy, business name registration, mga orientation sa mga programa ng SME development division, at iba pang mga programa.

Ang Commission on Population and Development (CPD) at ang City Population Office nagbigay ng mga suportang pam-family planning.

Ang caravan, isang inisyatibo ni NHA General Manager Joeben A. Tai, naglalayong ilapit ang iba’t-ibang programa at serbisyo ng gobyerno sa mga benepisyaryo at mga pamilya mula sa mga kalapit na komunidad.

Ang kaganapan pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Region 4 Regional Manager Roderick Ibanez, at Laguna District Office Officer-in-Charge Engr. Ken Capulong.

Ang mga lokal na pamahalaan ng Norzagaray at Balagtas, Bulacan nagsagawa ng Housing Caravans noong Marso 18 at 20.

Ang mga aktibidad na ito naglalayong tugunan ang mga alalahanin ng mga benepisyaryo mula sa mga proyekto ng National Housing Authority (NHA) Bulacan District, partikular ang Katuparan Village, Norzagaray Homes, Norzagaray Heights at St. Matthew Heights.

Mahigit 800 benepisyaryo ang nakilahok sa mga nabanggit na kaganapan, na pinangunahan ni AGM Feliciano sa ilalim ng gabay ni GM Tai.

Isinagawa ang unang Housing Caravan ng 2025 sa Cavite kung saan mahigit sa 500 benepisyaryo mula sa mga housing sites ng NHA, kabilang ang Dorothea Homes 1 & 2, Harbour Homes, Brgy. Calubcob Parkstone Estate, at Naic View ang nakinabang.