Calendar
FIRE OUT AGAD–Ang nasunog na ikatlong palapag ng Lucky Chinatown sa Binondo, Manila na tumagal ng halos isang oras noong Lunes. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
3rd floor ng Lucky Chinatown halos isang oras tinupok ng apoy
Jon-jon Reyes
Jul 30, 2024
34
Views
HALOS isang oras na tinupok ng apoy ang isang bahagi ng 3rd floor ng Lucky Chinatown Mall sa Binondo, Maynila noong Lunes.
Nagsimula ang sunog bandang alas-6:45 ng umaga at dakong alas-7:55 ng idineklarang fire out ng Manila Fire ng Bureau of Fire Protection.
Ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, kinordon ng mga pulis ang mall para walang makasalising kriminal na sasamantala sa sunog.
Sina Police Captain Conrado Punzalan Jr. at Police Captain Joel Roa ang pumoste ng todo para bantayan ang nasusunog na mall laban sa mga kawatan.
Nagsimulang masunog ang parte ng mall na malapit sa presinto, ayon sa report.
Cable installer sinaksak sa gasolinahan, patay
Sep 8, 2024
Namitas ng wallet ng pasyente huli
Sep 8, 2024
2 nangholdap na, nanggahasa pa
Sep 8, 2024
MPD sinisiguro maayos, mapayapang Bar Exams
Sep 8, 2024