4 biktima ng human trafficking nasagip sa Tawi-Tawi

Alfred Dalizon Jan 24, 2024
160 Views

NAILIGTAS ang apat na babae sa isinagawang anti-illegal trafficking operation ng mga awtoridad sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Enero 20, 2024.

Ayon sa ulat, ang apat na kababaihan ay lulan ng barkong M/V Trisha Kertin mula sa Zamboanga City patungong Bongao, Tawi-Tawi.

Naging matagumpay ang isinagawang operasyon dahil sa agarang aksyon ng mga personahe ng MARPSTA Maritime Group, 1st Provincial Mobile Force Company, Coast Guard Central Station Tawi-Tawi, Sea Marshall Unit-SWM, Philippine Center on Transnational Crime, National Intelligence Coordinating Agency BARMM, Local Government Unit-Local Committee on Anti-Trafficking Violence Against Women and their Children ng Municipal Inter-Agency Committee Against Trafficking.

Ayon sa ulat ng isa sa mga biktima, nais silang dalhin sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia ng walang legal na dokumento.

Ang mga biktima ay maayos na naiturn-over sa opisina ng LGU-LCAT VAWC ng MIACAT sa koordinasyon ng Ministry of Social Welfare and Development Office para sumailalim sa counselling at stress debriefing.

Ang pagkakalufgtas ng apat na kababaihan ay sinabi ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na isang patunay na sila ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas at papaigtingin pa lalo ang kanilang kampanya sa anumang uri ng kriminalidad para makamit ang isang maayos at maunlad na bansa.