4 magbabarkada patay sa sakuna sa Cebu

Zaida Delos Reyes Oct 14, 2024
37 Views

APAT na magbabarkada ang nasawi matapos na sumalpok ang kanilang sinasakyang kotse sa isang truck nitong Sabado ng madaling araw sa Pinamungahan, Cebu.

Nakilala ang mga nasawi na sina Raydel John Book, driver ng Toyota Wigo at mga kasama nitong sina Rev Luther Alolo, Jade Engle at Stephen Sabornido.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente sa Bulobogan, Pinamungahan , Cebu.

Galing umano ang mga biktima sa isang kapistahan at pauwi na sana sa kanilang bahay nang maganap ang aksidente.

Napag-alaman na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng kotse kaya’t kinain nito ang kabilang linya dahilan upang salpukin sila ng prime mover truck na may hatak na trailer.

Dahil sa lakas ng impact ng banggaan, nawasak ang sasakyan dahilan upang magtamo ng grabeng sugat sa katawan ang mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.