Hataman1

4 na panukalang batas isinusulong upang umunlad buhay ng mga taga-Basilan

Mar Rodriguez Jul 6, 2022
227 Views

ISINULONG ng isang Mindanao congressman ang apat na panukalang batas sa ilalim ng 19th Congress upang mapabuti ang kagalingan o welfare ng kaniyang mga kababayan kasunod ng pagpapaunlad sa healthcare, education at livelihood sa kaniyang lalawigan.

Kasabay nito, inihain din ni Basilan Rep. Mujiv Hataman ang isang resolution na naglalayong magkaroon ng malalim na imbestigasyon ang Mababang Kapulungan ng Kongreso o “Congressional review” kaugnay sa naudlot na “Hajj pilgrim”.

Sinabi ni Hataman na kailangang siyasating mabuti ang isyu hinggil sa“Hajj coordination program” ng pamahalaan. Bunsod ng pagkaantala ng maraming Muslim pilgrims ngayong taon dahil hindi kaagad inasikaso ng ilang opisyal ang kanilang dokumento.

Ipinaliwanag din ni Hataman na sa pagpasok ng 19th Congress, sa ilalim ng pamamahala ng napipisil na susunod na House Speaker na si Leyte 1st Dist. Rep. Martin G. Romualdez, nais umano niyang tutukan ang kalusugan, edukasyon at kabuhayan ng mga taga Basilan.

Ipinagmalaki din ng Mindanao solon na nakabangon na aniya mula sa masamang imahe ng terorismo ang kaniyang lalawigan at nagsisimula na rin mabuhay ang ekonomiya at turismo sa Basilan.

“Nakabangon na mula sa masamang imahe ng terorismo ang Basilan at nagsisimula ng mabuhay ang ekonomiya at turismo ng aming lalawigan.Kailangan lang natin sabayan ang pag-unlad ng mga mamamayan sapamamagitan ng mga panukala na susuporta sa kanilang pag-angat,” sabi ni Hataman.

Kabilang sa mga panukalang batas na inihain ni Hataman ay angpagtatatag ng Basilan Medical Center, Basilan Science High School, Multi-Species hatchery sa Isablea City at Basilan Sports Academy na nakapaloobsa House Bill Nos. 1057, 1058, 1059 at 1060.

“Ipaglalaban natin na mapalaki at mapalakas ang mga ospital sa Basilan. Una na dito ang conversion ng

Basilan General Hospital para magingBasilan Medical Center, mas malaki, mas makabago at maraming may sakitang mapapagaling,” dagdag pa ng mambabatas.

Sinabi pa ni Hataman na pangarap niyang maging kasing ganda atmoderno ng St. Luke’s Medical Center ang Basilan Medical Center kung kaya’t gagawin nito ang lahat ng kaniyang makakaya upang matupad angkaniyang hinahangad para sa nasabing ospital.