BBM Si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at ang apat na Pinay Olympians Courtesy: PPA POOL

4 na PH Olympians may tig-P1M kay PBBM

Chona Yu Aug 22, 2024
45 Views

BBM1BBM2DALAWANG tseke na nagkakahalaga ng tig-P1 milyon ang tinanggap ng apat na Filipino Olympians na pumunta sa Malakanyang.

Sa simpleng seremonya, iniabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tig-P1M na cheke mula sa Office of the President kina professional golfer Dottie Ardina at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.

Ginawaran rin ang mga ito ng Presidential citation para sa kanilang natatanging pagganap sa 2024 Paris Olympics.

Bukid dito, may pa-jacket pa si Pangulong Marcos sa mga atleta.

“Baka nagtataka kayo meron kaming extra event after dumating na yung ibang mga Olympian. Ay dahil nung nagpa reception kami dito, wala sila dito, nagbibiyahe, at nagka mix up, huli na yung pagkasabi sa kanila, hindi na sila nakauwi,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Kaya’t sabi namin, pareho naman yung kanilang pinaghirapan, so dapat andun din sila. Nasama rin natin dun sa lahat ng pagtanggap sa ating mga Olympian na ating ginawa. Sayang lang hindi nila napuntahan yung parada, pero at least everything else ay nagawa. We’re happy we were able to do something extra for those that did not make it to the first round,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Bago naman ang meet and greet sa Pangulo, iniabot ni PAGCOR chairman Al Tengco sa mga atleta ang tseke na galing sa kanila na nagkakahalaga ng tig P1 milyon.

Matatandaang sa kanyang talumpati sa nakaraang heroes welcome para sa Filipino Olympians ay kinantyawan ng Pangulo ang PAGCOR na baka pwede ring bigyan ng tig-iisang milyong piso ang mga atletang hindi nag-uwi ng medalya sa katatapos na Olympics.