Sunog

40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog na nagmula sa away mag-asawa

469 Views

DALAWA ang sugatan sa sunog na sumiklab na hinihinalang nagsimula sa away ng mag-asawa Huwebes ng hapon sa Taguig City.

Nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawa sa Pusawan, Brgy Ususan pasado ala-1 ng hapon na umabot sa ikatlong alarma bunga ng pagkakadikit-dikit ng bahay na karamihan ay gawa sa light materials.

Nakontrol ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga nagrespondeng fire volunteer ang sunog alas-2:59 ng hapon.

Ayon kay Brgy. Chairwoman Marie Marcelino ng Brgy. Ususan, mahigit 30 kabahayan ang natupok ng apoy na dahilan ng pagkawala ng tirahan ng mahigit 40 pamilya.

Nanunuluyan pansamantala ang mga nasunugan sa covered court ng Brgy. Ususan kung saan sila dinalhan ng pangunahing tulong at pagkain ng Taguig City Government.