Kelot tumalon sa 4th floor, lasug-lasog

Edd Reyes Sep 11, 2025
334 Views

LASUG-lasog ang buto at todas agad ang biktimang nagala-Superman ng tumalon mula sa ika-apat na palapag ng supermarket noong Miyerkules sa Valenzuela City.

Nakilala lang ang biktima mula sa nakuhang driver’s license sa alyas na Ryan, 21, ayon kay Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Joseph Talento.

Bago tumalon, napuna ni alyas Reza, 29, isa sa mga may-ari ng stall sa supermarket sa Brgy. Paso De Blas ang biktima na tila wala sa sarili, balisa at palakad-lakad hanggang umakyat sa ika-apat na palapag bago mag-ala-1:00 ng hapon.

Nang makarinig ang testigo ng tila kaguluhan malapit sa escalator sa lower ground, noon nya nakita ang biktima na tumalon na mula sa ika-apat na palapag.

Nagresponde ang mga rescue officers ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) pero nakita sa CCTV ng mga imbestigador na kusang tumalon ang biktima.

Bukod sa driver’s license, nakuha rin ng mga pulis ang suicide note sa bulsa ng biktima pero hindi na isinapubliko ang nakasulat.