Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
ASEAN

44th ASEAN Summit gaganapin sa Manila

Edd Reyes Aug 16, 2025
323 Views

TINIYAK ni Vice Mayor Chi Atienza na handa ng ang Maynila sa pagho-host ng 44th ASEAN Summit sa gaganapin sa susunod na taon.

Mula sa Kuala Lumpur, Malaysia, ibinahagi ng bise alkalde sa kanyang talumpati sa ASEAN Governors and Mayors Forum (AGMF) ang tatlong mahahalagang simulain at paniniwala sa pagpapanatili ng makabagong lungsod gaya ng Maynila.

“The ASEAN vision for a resilient, innovative, dynamic and people-centred community is not just a slogan for us, it is a commitment that we are living out in our cities,” sabi ni Atienza.

Ibinahagi niya kung papaano isinapuso ng Maynila ang ganitong aral upang makasunod sa ASEAN Community Vision 2045.

Sinabi rin ng vice mayor ang pagsisikap ng syudad para mapanatili ang pag-unlad at pagtibayin kung papaano ang ganitong mga programa ay binuo para sa mga Muslim, Kristiyano at iba pang may kanya-kanyang paniniwala at karanasan ay mapabilang sa magandang kinabukasan.

Inimbitahan ni Atienza ang mga miyembro at kinatawan ng ASEAN sa Maynila sa pagho-host nito ng event sa 2026.