DPWH

5 kalsada hindi pa rin madaanan kaugnay ng pananalasa ni Florita

168 Views

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na limang kalsada pa ang hindi madaanan matapos manalasa ang bagyong Florita.

Ayon sa DPWH, tatlo sa mga kalsadang ito ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR)—bahagi ng Kennon Road, Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao at sa Mt. Province–Ilocos Sur via Tue sa Tadian, Mt. Province.

Ang dalawa pa ay ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela, at Sagbat Pililla Diversion Road sa Baras, Rizal.