Remulla Pinangunahan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla (kanan) at Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr.(pangatlo mula kanan) lang pagpapalaya ng mga preso sa New Bilibid Prison in Muntinlupa City. Makikitang tinatanggap ng mga inmate ang kanilang mga certificate of discharge, grooming kit, gratuity, at transportation allowance. Kuha ni JOSEPH MUEGO

580 preso pinalaya ng BuCor

Hector Lawas Apr 21, 2023
193 Views

PINALAYA ng Bureau of Corrections (BuCor) ang may 580 persons deprived of liberty (PDL) sa iba’t ibang kulungan sa bansa.

Ayon sa BuCor sa mga pinalaya ay 353 ang binigyan ng parole, 65 ang napawalang –sala, walo ang binigyan ng probation, isa ang nabigyan ng writ of habeas corpus, at 146 ang natapos na ang kanilang sintensya kasama na ang nabawasan ang hatol dahil sa kanilang good conduct and time allowance (GCTA).

Sa kabuuang bilang ng mga napalaya, 231 PDL ang lumabas mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City; 31 mula sa Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte; 69 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City; 23 sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro; 39 sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan; 159 mula sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte; at 46 mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Noong Marso ay 616 naman ang nabigyan ng parole. Nina ZAIDA DELOS REYES & HECTOR LAWAS