Nebrija

581 tauhan ng MMDA ipapakalat sa mga pampublikong paaralan

180 Views

IKAKALAT ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 581 tauhan nito malapit sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija nakikipag-ugnayan ang ahensya sa iba’t ibang lokal na pamahalaan bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na pasukan.

Mayroong 146 na pampublikong paaralan sa Metro Manila, ayon kay Nebrija.

Bukod sa pagbabantay sa daloy ng trapiko, nagsasagawa rin umano ng misting, fogging at clearing operation ang MMDA sa paligid ng mga eskuwelahan.

Nakatakdang magbukas ang klase sa Agosto 22.