LRT2

Libreng sakay para sa mga estudyante simula na sa Agosto 22

Edd Reyes Aug 10, 2022
98 Views

SIMULA na sa Agosto 22 ang libreng sakay ng mga estudyante sa Light Raul Transit 2 (LRT-2).

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera kailangan lamang ipakita ng estudyante ang kanilang school identification card o proof of enrollment sa mga passenger assistant ng istasyon.

Ang mga estudyante ay bibigyan ng single-journey ticket upang makasakay.

Makikinabang dito ang mga estudyante na pumapasok sa university belt.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bahagi ng pagbabalik ng face-to-face classes.

Ang libreng sakay ay tatagal hanggang Nobyembre 5.

Matapos ang programa ay babalik ang pagbibigay ng 20 porsyentong diskwento sa mga estudyante.