Calendar

6 drug suspek nalambat ng PDEA
ANIM na drug suspek ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakakulong na matapos mahuli sa buy-bust sa Mindanao.
Nakuha sa anim ang may kabuuang P10.2 million na halaga ng shabu, ayon sa ulat ng PDEA.
Dalawa sa mga akusado nahuli ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 9 sa parking lot ng Gaisano Mall sa Brgy. San Pedro, Pagadian City noong Huwebes.
Nakuha kina alyas na Jeda, 38 at Sall, 29, ang 500 gramo ng shabu na may halagang P3.4 million.
Ang apat pang suspects nahuli ng PDEA Region 9 at Zamboanga City Police Station operatives sa Brgy. San Roque, Zamboanga City noong Huwebes din.
Nakuha sa apat ang isang vacuum-sealed plastic bag na may lamang isang kilo ng shabu na may halagang P6.8 million. Kinilala ang mga akusado sa mga alyas na Jason, 39; Rakib, 36; Drian, 20; at Lan, 42.
Nahaharap sa mga non-bailable na mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang anim na suspects.