Calendar
67th anniv ng Manila Zoo dinaluhan ni Mayor Isko, VM Atienza
NAKIISA sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo ng Manila Zoo noong Sabado sa Malate, Manila.
Layunin ng Maynila na gawing world-class attraction ang Manila Zoo na maipagmamalaki ng buong bansa kaya’t ginagawa nila ang lahat ng paraan para ma-promote ang kauna-unahang zoo sa Pilipinas na binuksan noong Hulyo 25, 1959 sa panahon ni dating mayor Arsenio Lacson.
Ayon sa alkalde, ang muling pagpapaunlad ng Manila Zoo ay bahagi ng pagsunod sa pangangailangan ng panahon at ng hangaring makasabay sa mga kilalang zoo sa iba pang bansa sa Asya.
Hinimok din niya ang publiko na pangalagaan ang pasilidad upang patuloy itong mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon
Inanyayahan din ni Mayor Isko ang mga pamilya na bisitahin ang Manila Zoo para makita ang mga bagong atraksyon gaya ng mga batang hayop na sina Atlas at Apollo at ang muling pagbubukas ng boating activity.
Inaalagaan ng mga beterinaryo at animal specialists ang lahat ng hayop sa Manila Zoo upang matiyak ang kanilang kalusugan at kapakanan.
Patok na patok ang atraksyon ng pagsakay sa bangka sa P120 para sa apat na katao sa loob ng 20 minuto na sinubukan nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Atienza.
