Baras

7 customer sa resto, nag-desert ng holdup

35 Views

PITO katao ang na-holdap habang kumakain sa isang restaurant sa Marilaque Highway, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal noong Huwebes.

Ayon sa report, naholdap ang lima bandang alas-3:30 ng hapon. Nakilala ang lima na sina Jeremy Zape Alcantara, 26; Bryan Arcel Leonor Mariano, 32; Dexter Dumon Ballad, 26; Mara Eliza Marino Tenebroso, 24; Elmer Alseco Cadua, 30; Ricky Desao Doming, 28; at Roselle Chavez Cacho, 19.

Sa imbestigasyon, kumakain ang mga biktima pasado ala-1:00 ng madaling araw sa Amor’s Fried Chicken Eatery sa Marilaque Highway, Brgy. Pinugay, Baras, Rizal nang biglang pumasok sa kainan ang grupo ng limang lalaki na lulan ng tatlong motorsiklo.

Tinutukan ng baril ang mga biktima at nagdeklara ng holdap at kinuha ang kanilang mga cellphone at iba’t-ibang IDs. Tumakas ang mga suspek patungo sa Antipolo City.