image0 (3) Sinamantala ng mga ilaw ng tahanan ang libreng gupit, kulay ng buhok, at foot spa ngayong araw ng Sabado sa Paco, Malate Manila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Mga ‘ilaw ng tahanan’ hinandogan ng libreng beauty services

256 Views

SINAMANTALA ng mga ilaw ng tahanan ang libreng gupit, kulay ng buhok, at foot spa bilang regalo sa Valentine’s Day.

Naglunsad ng libreng paayos sa mga nanay ang Bgy. 737 Zone 80, Paco, Malate, Manila at umabot sa mahigit 100 nanay ang lumahok programa.

Ayon kay Mommy Irma Reyes isa sa mga nagpaayos at nagpakulay ng buhok, malaking bagay ang isinagawang libreng programa para sa mga ilaw ng tahanan dahil nataon namang nalalapit na ang araw ng mga puso o Valentines.

Sa halip na gagastos sa mamahaling salon o parlor, malaking katipiran ito at mainam na naglunsad ang barangay ng libreng programa para sa mga nanay.

Laking tuwa din naman ng mga padre de pamilya dahil pati sila ay may libreng gupit sa isinagawang programa ng barangay sa pamumuno ni Chairwoman Edilyn Dimanlig sa Ortega Court F, Muñoz St. Paco, Malate, Manila.

Dagdag pa ni Mommy Irma, kahit nasa panahon pa rin tayo ng pandemiya maliban sa pag-aalaga ng ating kalusugan kasama din ang pagpapaayos sa ating mga itsura lalo na ngayong panahon ng Valentine’s Day