Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
Calendar
Metro
8 pamilya naabo bahay sa QC, lalaki nasaktan
Melnie Ragasa Jimena
Aug 22, 2024
654
Views
SUGATAN ang isang lalaki at walong pamilya ang naabo ang bahay sa sunog sa Quezon City noong Huwebes.
Nalapnos ang paa si Michael Dacapias matapos tumalon kasama ng kanyang asawa at mga anak mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay na nasunog.
Ayon sa National Capital Region ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-12:18 ng madaling araw at umabot sa unang alarma.
Limang barong-barong ang naabo sa kahabaan ng kalye ng Usafe sa Brgy. Holy Spirit at naapula ang apoy bandang alas-12:44 ng madaling araw.
Tumupok ng P7,500 halaga ng ari-arian ang sunog.
Pasamantalang tumutuloy sa covered court na ginawang evacuation center ang mga nasunugan.
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
2 motor nagbanggaan, 3 sugatan
Nov 3, 2026
Pagnenegosyo sa QC pinadali, pinakonti dokumento
Nov 3, 2026
Pulis tigok matapos matisod, baril pumutok
Nov 3, 2026

