Calendar
Himas rehas na bakal ang suspek na may kasong rape at acts of lasciviousness na natimbog ng mga operatiba sa Tondo, Manila ng MPD Delpan Police sa ilalim ni PLt.Col.Felimon Cacap.JONJON C. REYES
Wanted sa kasong rape, acts of lasciviousness natunton sa Tondo
ARESTADO ang 35-anyos na helper ng mga operatiba ng MPD Delpan Police Station dahil sa kasong rape at acts of lascivousness sa Tondo, Manila, Martes ng hapon.
Ang suspek ay natunton sa loob ng isang tahanan sa Elcano Street, Brgy. 1, Zone 1, Tondo.
Nakilala ang suspek na si alyas Pablo, 33, tubong Nueva Ecija, walang asawa, helper, at naninirahan sa Tondo, Manila.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 3:40 ng hapon ng magsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Delpan (PS12) sa pamumuno ni PLt. Ferdinand Omli sa ilalim ng pangangasiwa ng Station Commander PLt.Col. Felimon B. Cacap.
Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant laban sa suspek kung saan inirekomenda ng korte ang piyansang P120,000 sa kasong rape at P108,000 sa tatlong bilang ng acts of lasciviousness para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Manila Branch 38 Regional Trial Court Judge Maria Lorenza L.Barias -Siosana.

