Calendar
Larawan: PHIVOLCS/FB
Phivolcs naitala magnitude 4.0 lindol sa karagatan ng Blaut Island
NAITALA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 4.0 na lindol sa karagatan sa timog-kanluran ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental, nitong Miyerkules, Oktubre 14.
Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang tectonic earthquake alas-3:02:47 ng hapon, sa lalim na 27 kilometro. Nasa layong 41 kilometro timog-timog-kanluran ng Balut Island ang sentro nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Sarangani, Davao Occidental. Walang inaasahang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks batay sa inilabas na impormasyon ng ahensya.
Nilinaw ng PHIVOLCS na isa itong aftershock ng magnitude 7.8 na lindol sa Offshore Sarangani at magnitude 6.5 na lindol sa Offshore Davao Occidental noong Hunyo 2026.
Inilabas ang ulat alas-11:06 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 15. Ayon sa ahensya, wala nang susunod na bulletin maliban kung may karagdagang impormasyong makalap.

