Dengue

255 na kumpirmadong kaso ng dengue sa Imus

Dennis Abrina Oct 15, 2026
29 Views

CITY OF IMUS, Cavite — Pumalo na sa 406 ang total na kaso ng dengue sa Lungsod ng Imus base sa inilabas na datos ng local government nitong October 14, 2026 sa kanilang official social media account.

Sa kabuuang bilang, 255 dito ang confirmed cases, habang 65 ang probable cases at 86 ang suspected cases.

Top 5 barangays na may kaso ng dengue ang Buhay na Tubig na may 39 kaso, kasunod ang Pasong Buaya 2 na may 27 kaso, Malagasang 1-G na may 22 kaso, Bucandala 1 na may 20 kaso at Alapan 2-A na may 20 insidente.

Nagbigay ng mahalagang paalala at pangangalaga ang lokal na pamahalaan sa pangunugan ni Mayor Alex Advincula at City Health Office sa bawat mamamayan at pamilya laban sa nasabing sakit.

Kasama sa mga paalala ang ugaliin ang mag-search and destroy ng mosquito-breeding sites, mag-seek ng immediate consultation sa oras na makaranas ng mga nasabing sintomas, mag-say no sa indiscriminate fogging o ang paggamit ng spray na nagpapaalis lamang sa mga lamok at hindi pumupuksa sa mga itlog at kitikiti.

Hinimok din ang self-protection measures sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga mahahabang damit, light-colored na damit, at pagpahid ng mosquito repellant.

Pinayuhan din ang mga mamamayan na i-sustain ang hydration sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration na dulot ng lagnat o pagsusuka kung may sakit na dengue.

Pinapayuhan ng City Health Office na magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center sa barangay sa oras na makaramdam ng mga sintomas ng dengue tulad ng
mataas na lagnat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, panghihina, pagkawala ng ganang kumain, pamumula ng balat, pananakit ng tyan at pagsusuka, at pagdurugo ng ilong at gilagid.

Dagdag pa ng Imus LGU. Bukas ang Dengue Hotline na 711-1001/02.