P2M shabu nasabat sa Subic

Christian Supnad Oct 15, 2026
62 Views

SUBIC, Zambales–Nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon ang shabu na nasamsam sa suspek na pusher na nahuli noong Huwebes sa Purok 1, Brgy. Calapacuan, Subic, Zambales.

Ang pagkumpiska kasunod ng operational na isinagawa nina Col. Rommel Labalan sa pakikipagtulungan sa Subic police, ayon sa report.

Nakuha sa supek ang tinatayang 250 grams ng shabu, isang P1,000 bill, 94 pieces ng boodle money, 1 Realme black at 1 violet pouch.

Ayon sa mga pulis, nasa 300 grams ng shabu ang nakuha na nagkakahalaga ng P2,040,000.