Calendar
23K pambublikong paaralan walang principal — Gatchalian
HANGGANG 23,000, o humigit-kumulang kalahati ng 45,928 pampublikong paaralan sa bansa, ang wala pa ring principal o punong-guro, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian.Humiling ang Department of Education (DepEd) ng karagdagang ₱10.52 bilyon upang lumikha ng 14,126 na posisyon ng School Principal I.
“Next year, this is the problem: there is no budget for the creation of principal positions. This is something that we’re trying to solve in terms of operations,” ani Gatchalian sa isang pagdinig kamakailan sa panukalang 2027 budget ng DepEd at mga kalakip nitong ahensya.
Ipinunto ng Senate President na mahalaga ang mga principal dahil sila ang karaniwang nagbibigay ng pamumuno sa paaralan at nagpapataas ng morale ng mga guro.
Ayon naman kay Education Undersecretary Wilfredo Cabral, maaaring mapunan ang ilang posisyon ng principal sa pamamagitan ng reclassification ng mga Head Teacher at Teacher-in-Charge sa ilalim ng Expanded Career Progression System.
May panukalang ₱12.09 bilyon para sa naturang programa sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP), ang budget na isinumite ng ehekutibo sa Kongreso.

