PBB Larawan: Pinoy Big Brother/IG

PBB Collab 3.0 pinakilala na

23 Views

OPISYAL nang ipinakilala ang bagong batch ng housemates ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 nitong Sabado, Oktubre 24, sa pagbubukas ng panibagong yugto ng reality show na pinagtutulungan ng ABS-CBN at GMA Network.

Sa inilabas na promotional poster ng programa, tampok ang 16 na housemates na kinabibilangan nina Anthony Constantino, Bela Arcal, Calix Esguerra, Cianne Dominguez, Ethan Benares, Gehlee Dangca, Jeo Ong, Lans Nagal, Mikee Quintos, Nathan Garcia, Nicole Fortuna, Primo Alterado, Raheel Bhyria, Robbie Jaworski, Shea Valerio, at Winwyn Marquez.

“Hello Philippines, hello world! Ito na ang big big unboxing ng housemates!” saad ng opisyal na social media post ng PBB na agad umani ng reaksyon mula sa mga tagasubaybay.

Kapansin-pansin din ang mga komento ng netizens sa posibleng tambalan ng ilang housemates, partikular kina Gehlee, Jeo at Lans. May ilan ding nagpahayag ng pagkagulat sa pagsasama-sama ng mga personalidad mula sa iba’t ibang larangan.

Mapapanood ang PBB Collab 3.0 tuwing weekdays at weekends sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWant, gayundin sa Kapamilya Online Live sa nakatakdang oras ng bawat araw.