Calendar
BOC nakatutok din sa kampanya vs human smuggling
MALIGAYANG araw sa ating mga tagasubaybay, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Winger dela Cruz, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Endo Yumi, Roana San Jose, at Hiroshi Katsumata.
Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless sa inyong lahat!
***
Mainit ngayon ang usapin patungkol sa “threat to national security” o banta sa seguridad nasyonal.
Ang masakit, may mga kababayan tayong pumapabor pa sa ibang bansa.
Isa itong lantarang insulto sa ating mga bayani na nag-alay ng kanilang buhay para tayo’y maging malaya.
Ang hindi alam ng marami, malaki ang papel na ginagampanan ng Bureau of Customs (BOC) para mapangalagaan ang seguridad ng bansa.
Hindi lang abala ang mga taga-BOC sa pangongolekta ng buwis, pagharang sa pagpasok sa bansa ng mga kontrabando,at paglaban sa katiwalian at korapsyon.
Nakatutok ang BOC sa kampanya laban sa tinatawag na“human smuggling.”
Ang pagpasok sa Pilipinas ng mga taong banta sa “national security” ay nakakabahala.
Hindi lang Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs) ang nagtatrabaho para sawatain ang “human smuggling.”
Katuwang ng mga ahensyang ito ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Sa totoo lang, may mga dating opisyal ng military at pulisya ang humahawak ngayon ng mga matataas na puwesto sa ahensya.
Hindi matatawaran ang kani-kanilang experience nang sila ay nasa active duty pa sa Armed Forces of the Philippines at PNP.
Talagang mahirap patigilin ang ismagling ng tao at produkto dahil sa dami ng mga isla sa bansa.
At hindi nababantatayan ng mga otoridad ang maraming isla dahil sa kakulangan ng manpower at kagamitan.
Kulang na kulang tayo ng mga makabagong patrol boats.
***
Grabe ang epekto ng inaabangan nating “El Nino.”
Pero ang maganda, tinitiyak ng gobyerno na handa ang lahat ng concerned agencies para protektahan ang interes ng taumbayan.
Lalo na sa pagtulong sa mga maaapektuhan na magsasaka sa ibat-ibang parte ng bansa.gx
Mahihirapan ang mga ito dahil sa kakulangan ng tubig dulot ng parating na tagtuyot.
Partikular na ang mga nagtatanim ng palay, mais at mgagulay.
Ang “El Nino” ay isang dagok sa food security ng bansa.
Mabuti na lang nakahanda ang mga ahensya ng gobyerno para bigyan ng ayuda ang mga maaapektuhang magsasaka.
Huwag sanang mapolitika ang pamimigay ng tulong sa mga kawawang magsasaka at mangingisda.
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa 0917-8624484 email: philipreyes08@yahoo.com.)
