BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026
Mga bully, BFF na ni Carmi
Oct 25, 2026
Calendar
Provincial
Rider sumemplang sa karera ng motor, nagulungan ng van, tigok
Gil Aman
Oct 25, 2026
25
Views
PATAY ang rider ng dumulas ang motorsiklo niya sa pakurbang portion ng Marcos highway at nagulungan ng closed van sa Sitio Painuman, Brgy. Inarawan, Antipolo City noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si alyas Mark, estudyante.
Sakay sa Suzuki Raider ang biktima kasama ng mga fellow riders sa motorcycle race ng maganap ang aksidente sa uphill na bahagi ng highway dakong alas-12:30 ng tanghali.
Habang tinatahak ang lugar, dumulas at tumilapon ang biktima at minalas magulungan ng isang closed van na minamaneho ni alyas Jayce, 25.
Idineklaran dead-on-arrival ang biktima sa Cabading Hospital ni Dr. Hedy Mae Bautista, attending physician.
Nasa kustodya ng Antipolo police ang closed van.
BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026
