Jeep

Jeepney iniwasan kotse na biglang nag-u-turn sa Lipa, tumaob

25 Views

US1LIPA CITY — Tumaob ng isang siksikang jeep na puno ng estudyante ng sumalpok matapos umiwas sa kotse na biglang nag-u-turn noong Lunes sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City.

Ayon sa paunang ulat ng mga awtoridad, galing sa San Antonio, Quezon at patungong Lipa City ang jeep ng makasalubong ang kotse na patungo sa Padre Garcia.

Nagulat na lamang ang driver ng jeep nang biglang mag-u-turn ang kotse sa kanyang harapan kaya nawalan siya ng kontrol sa manibela.

“Nahihilo pa rin po ako hanggang ngayon,” pahayag ng na-shock na driver ng jeep habang inaalalayan matapos ang insidente.

Wala pang opisyal na bilang kung ilang pasahero ng jeep ang nasugatan at kung gaano kalala ang mga natamong sugat.

Nag-iimbestiga pa ang mga pulis para malaman kung sino ang dapat managot sa nangyari.