Bangkay

Kelot nakitang bangkay, naaagnas sa sapa sa Talisay

24 Views

Bangkay1TALISAY, Batangas — Isang nabubulok na bangkay ang natagpuan sa sapa sa Talisay-Tagaytay Road, Brgy. Banga sa bayang ito noong Linggo, ayon sa Talisay police.

Nadiskubre ng isang residente ang bangkay na nakahandusay sa mabato at madamong bahagi ng lugar. Tumawag ng pulis ang lalaki at nagresponde.

Pagdating ng mga awtoridad, nakita nlang nasa advanced state of decomposition na ang bangkay.

Humingi ng saklolo ang pulisya sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) team para magsagawa ng technical investigation at maiproseso ang crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala ang biktima at alamin kung may foul play sa insidente.