Suspek

2 suspek sa pagpaslang sa estudyante sa Lipa timbog na

20 Views

Suspek2Suspek1

LIPA CITY, BATANGAS — Dalawang lalaki matapos ang naaresto noong Martes ng mga tauhan ng Lipa Component City Police Station (CCPS) kaugnay ng brutal na pagpatay sa isang 20-anyos na estudyante noong nakaraang linggo.

Kinilala ang biktimang si Jazmine Iya Gonzales Martinez, residente ng Barangay Duhatan, Lipa City, third-year BS Architecture student ng National University-Lipa, Batangas,na namatay matapos magtamo ng mga saksak sa katawan.

Ayon sa ulat ng pulisya sa pamumuno ni PLt.Col. Aleli C. Buaquen, hepe ng pulisya sa Lipa, ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas Nonoy at Lance, 30, obrero, residente ng Brgy. Pangao, Lipa City, ay naaresto sa Purok 8, ng nabanggit na barangay.

Ang 30-anyos niyang kasabwat na residente ng Barangay 6, Tanauan City, Batangas ay nasukol sa Oltap Subdivision, Brgy. 6, Tanauan City.

Naganap ang madugong insidente noong gabi ng Oktubre 14, 2026 sa Purok 7, Barangay Pinagtung-olan, Lipa City.

Ayon sa mga ulat, pinapatay umano ang biktima dahil hindi nito sinagot ang kanyang manliligaw.

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya kung saan sila kasalukuyang nakakulong habang inihahanda ang mga kaukulang kasong kriminal laban sa kanila.