Laguna Gov

Laguna gov tututukan infra projects

Gil Aman Oct 29, 2026
24 Views
TUTUTUKAN ni Laguna Gov. Sol Aragones ang mga proyektong pang-imprastraktura kabilang ang mga bagong gusali ng ospital, tulay, solar streetlights at iba pang pasilidad na naglalayong mapabuti ang serbisyong publiko.
Kabilang sa mga ipinakitang disenyo ang Laguna Ambulance Hub na inaasahang magsisilbing sentro para sa mga ambulansya at makatutulong sa pagpapalakas ng serbisyong pang-emergency sa lalawigan.
Ipinakita rin ang panukalang bagong gusali ng Outpatient Department ng Dr. J.P. Rizal Memorial District Hospital na naglalayong magkaroon ng mas maayos na pasilidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng konsultasyon at serbisyong medikal.
Kabilang din sa mga tinututukang imprastraktura ang pagpapaunlad ng mga tulay at paglalagay ng solar streetlights upang mapahusay ang koneksiyon ng mga komunidad at makatulong sa kaligtasan ng mga motorista at pedestrian, lalo na sa gabi.
Inaasahang makatutulong ang mga proyektong ito sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, pagpapabilis ng pagtugon sa mga emergency at pagpapabuti ng mga pangunahing pasilidad para sa mga taga-Laguna.