RIT Larawan ng tricycle ng pinaslang na 68-anyos na trike driver naka-kordon sa police line sa harap ng tahanan nito sa Bgy. Bangad, Cabanatuan City. SOURCE: KUYA JR TV FB

‘Killer’ ng triker na RIT huli ng Cabanatuan police

Steve A. Gosuico Oct 29, 2026
38 Views

RIT1

RIT2
Source: KUYA JR TV FB ni Steve A. Gosuico

CABANATUAN CITY – Nasakote na ng Cabanatuan City police ang dalawang riding-in-tandem (RIT) suspects sa pagpaslang sa isang 68-anyos na tricycle driver kung saan matapos tambangan ang biktima ay isinakay ng dalawa ang kanilang motorsiklo sa isang Toyota Tamaraw FX saka tumakas nitong Linggo.

Naganap ang umano’y pamamaslang ng RIT habang namamasada ang biktima di kalayuan sa kanyang tahanan sa Bgy. Bangad dito.

Ayon kay Cabanatuan city police head Lt. Col. Lester P. Zafra, naaresto ang dalawang suspek sa isang follow-up operation habang tinutugis pa ang ibang kasabwat sa krimen at inaalam ang lokasyon ng Tamaraw FX na ginamit sa pagtakas.

Narekober din umano mula sa dalawa ang mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril, katulad sa M14, M16, 9mm at cal.45.

Samantala, patuloy pa din ang imbestigasyon upang malaman ang posibleng motibo sa krimen at matukoy ang pagkakakilanlan ng iba pang suspects sa pamamagitan ng backtracking sa mga CCTV footages sa lugar.

Unang iniulat na dead-on-the-spot ang biktima matapos magtamo umano ng anim na tama ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan.