Baccay Sinabi ni P/BGen.Baccay na sisiguruhin ng kapulisan ang kaligtasan ng lahat ngayong Undas. GIL AMAN

Baccay siniguro kaligtasan ng lahat ngayong Undas

26 Views

NGAYONG Nobyembre 1, 2026, ipinahayag ni P/BGen. Dominic Baccay, Police Regional IV4 A Director, na aabot sa 12, 297 PNP personnel kasama ang mga Force Mutipliers ang magbabantay sa mga lansangan at mga sementeryo upang siguruhin na ligtas at maayos ang Undas.

Tiniyak ni PBrig.Gen Baccay na sa Dasmarinas City ay inaasahang dadagsa ang daan-libong katao sa sementeryo upang dalawin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Nagpaalala ang opisyal sa publiko na siguraduhing sarado ang kanilang mga bahay at mga saksakan upang hindi magsamantala ang mga kawatan sa mga pupunta sa sementeryo.

Sinabi niyang patayin ang ilaw at ano mang maaaring maging sanhi ng sunog.

Naakalerto rin ang iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Public Works and Highway (DPWH) at MDRRMC ng iba’t ibang bayan.

Handa rin sa pantalan ang Philippines Coast Guard upang tiyakin na walang overloading at maayos ang paglayag ng mga pasahero.

Idiniin rin ni Baccay sa kantang mga tauhan na gampanan ng maayos ang kanilang pakikitungo sa mga pupunta sa mga sementeryo.