Shabu Inireport ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago kay NCRPO chief Police Brig.General Christopher Abrahano ang pagsabat ng MPD DEU ng mahigit P2.3 million na halaga ng droga at pagtimbog sa tatlong suspek sa Tondo, Manila. JONJON C. REYES

2 dalaga, binata shoot sa preso dahil sa P2.3M shabu sa Tondo

Jon-jon Reyes Oct 31, 2026
24 Views

SWAK sa selda ang tatlong tao, kabilang ang dalawang babae, matapos matimbog ng mga operatiba ng MPD Drug Enforcement Unit (MPD-DEU) sa buy-bust at nasabat sa kanila ang 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.38 milyon sa Brgy. 128, Tondo, Manila noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Arlyn, 42, high value individual, dalaga at naninirahan sa Aroma Temporary Housing, Brgy. 105, Tondo; Kenji, 20, binata; at Ayang, 18, dalaga, ng Paradise Heights Permanent Housing Building 15, Brgy. 128, Tondo, Manila

Ayon kay Police Major PMaj. Gil John Lobaton, acting chief ng MPD-DEU, bandang ala-1:50 ng madaling ng ilatag ang operation.

Sa imbestigasyon ni PSSg Rommel DG Ponce, nagkaroon ng buy-bust na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek at pagkakasamsam ng 350 ng gramo ng shabu na may standard price na P2,380,000.

Narekober din ang isang P500 note na nilagyan ng fluorescent powder, 1 pekeng P500 at 24 na pekeng P1,000.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis at kakasuhan ng paglabag sa RA 9165.