Calendar
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
SUMAMA si Brgy. Chairwoman Lilian Papa, presidente ng SAG, kasama sina Marjorie Mendez at Sean Irah Joel sa pakikipagtulungan sa mga tauhan ng Malate Police Station at mga mag-aaral na nasa on-the-job training (OJT) sa clean up drive sa Cortabetarte St., Brgy. 701, Malate, Maynila.
Nagtulungan ang mga kalahok sa pagwawalis sa M.H Del Pilar St., Pres.Quirino St., at Cortabetarte St. bitbit ang mga walis, dustpan upang linisin ang mga kalat.
Ipinakita ng clean up drive ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng Philippine National Police, Station Advisory Group, sektor ng kabataan at iba pang mga stakeholder sa komunidad.
Hinikayat ng mga kalahok ang mga residente na magsagawa ng tamang pagtatapon ng basura at makilahok sa pagpapanatiling malinis ang kanilang kapaligiran.
Nagtapos ang clean up bandang alas-9:30 ng umaga.
Pinagtibay nito ang ugnayan sa pagitan ng pulisya at ng komunidad.
Sinusuportahan ang pagsusulong ng kalinisan, kaligtasang pampubliko, pangangalaga sa kapaligiran at pakikilahok ng komunidad sa loob ng Area of Responsibility ng Malate Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Norman Patnaan ng MPD Malate Police station 9.

