Calendar
Kelot na magtitirik ng kandila sa sementeryo, sinaksak, dedo
DEDO ang 30-anyos na kelot na nautusan lang ng ina na magtirik ng kandila sa puntod ng namayapa nilang kaanak nang pagsasaksakin ng salarin Linggo ng gabi sa Paranaque City.
Naglalakad ang biktima sa Barangay San Isidro patungo sana sa Himlayang Palanyag sa Brgy. San Dionisio dakong alas-6:30 ng gabi para magtirik ng kandila nang mula sa likuran ay inakbayan siya ng suspek at kaagad inundayan ng sunod-sunod na saksak sa dibdib na agaran niyang ikinamatay.
Naaresto naman sa follow-up operation nina Paranaque police chief P/Col. Nicolas Piñon ang suspek Lunes ng umaga sa Silverio Compound, sa Dr A. Santos Avenue, Brgy. San Isidro makaraan ang ginawang forward at back tracking sa mga kuha ng CCTV sa lugar.
Sinabi ni Col. Piñon na inaalam pa nila ang tunay na motibo sa nangyaring krimen matapos unang maulat na posibleng selos umano ang dahilan ng pamamaslang.
Pinapurihan naman ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang Paranaque City Police dahil sa mabilis na pagkilos na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa suspek.

