Turista Inihayag ni Police Major Jake Arcilla hepe, ng CIS/DPIOU na natimbog ang umano’y miyembro ng Ativan Gang na nagbalak mambiktima ng isang dayuhan sa Intramuros, Manila. JONJON C. REYES

MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang

Jon-jon Reyes Nov 4, 2026
31 Views

Turista1ARESTADO ng mga operatiba ng MPD ang limang umano’y miyembro ng Ativan Gang matapos maaktuhang dinudukutan ng isa sa mga suspek ang turistang Chinese national sa Intramuros, Manila, Linggo ng umaga.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Aya at Gigi, 48, may asawa, walang trabaho, residente ng Aurora Drive, Bergon Vill, Pulang Lupa, Las Piñas City; alyas Mary, 21, dalaga, residente ng Pulang Lupa 2, Naga Road; alyas Ivy, 48, residente ng Bayanan, Alabang, Muntinlupa City; alyas Gina, 67, balo, residente ng 12 Evangelista Street, Digman, Bacoor, Cavite, at alyas James, 62,residente ng 99 Zone 3, Panaga, Laoag, Pangasinan Pasong Balite Street, San Miguel, Bgy. Marulas, Valenzuela City..

Ayon kay Police Major Jake Arcilla, hepe ng MPD-DPIOU, bandang 12:50 ng hapon nang madakip ang mga suspek.

Base sa paunang imbestigasyon, nasa labas ng San Agustin Church ang biktima nang lapitan siya ng mga suspek at tinanong kung saan siya pupunta.

Kinausap ang biktima ni alyas Gina sa wikang banyaga kung kaya’t naging tiwala at kumpiyansa ang huli.

Inanyayahan ng mga suspek ang biktima na tingnan ang mga kanyon sa Intrmauros.

Kalaunan ay niyaya ng grupo ang biktima sa Chinatown upang ipagdiwang ang kaarawan ni alyas Mary.

Pasakay na ang mga suspek at biktima sa isang sasakyan nang maispatan ng mga nagpapatrulang pulis si alyas Gina na dinudukot ang pitaka ng Tsino.

Hinalughog ni Pat. Mike Jhons B. Sus ang shoulder bag ni alyas Gina at narekober ang pitaka ng biktima na may lamang P400.

Kinumpiska ng mga parak ang shoulder bag at in aresto ang mga suspek. Ang mga nakuhang ebidensya ay inilagay sa pangangalaga ni Pat. Sus.

Ang mga inarestong suspek ay dinala sila sa Intramuros Police Community Precinct, at kalaunan ay sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center para sa pagsusuring medikal.

Sinabi ng isa sa mga suspek na binalak nilang painumin ng softdrinks na may pampatulog ang biktima at limasin ang mga gamit nito.