Calendar
Metro
Kelot nagbantang ‘tumalon’ mula St. Peter Church, nasagip ng QCPD
Melnie Ragasa Jimena
Nov 4, 2026
28
Views
NASAGIP ng mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Department (QCDRRMD) ang isang lalaki na nagbabantang tumalon mula sa mataas na bahagi ng St. Peter Church sa Barangay Batasan Hills, Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.
Agad na rumesponde ang Urban Search and Rescue (USAR) Team ng QCDRRMD at maayos na nakipag-usap sa indibidwal hanggang sa ligtas itong maibaba.
Kasama rin sa operasyon ang mga tauhan ng Barangay Batasan Hills, Quezon City Police District (QCPD), Quezon City Fire District (QCFD), at Traffic and Transportation Management Department (TTMD).
Muling tiniyak ng QCDRRMD ang kahandaan nitong rumesponde sa mga emergency upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng publiko.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026
2 motor nagbanggaan, 3 sugatan
Nov 3, 2026

