Calendar
8 Pilipinong WW2 vets, Amerikano may gintong medalya dahil sa kabayanihan



GINAWARAN ang walong Pilipinong beterano ng Second World War kasama ang isang Amerikanong sundalo ng Congressional Gold Medal ng Estados Unidos para sa kanilang kabayanihan.
Pinarangalan sina Edgar Escat Garoza, Fermin Libres Piezas, Rafael Ocampo Resus, Jr., Angel Galan Juanito, Luis Gutierrez, Gilbert Garduno, George Lawrence at Basilio Alvarado Quinitio.
Kabilang din sa pinarangalan ang Amerikano na si Robert Alexander Pearson, na bukod sa US Gold Medal ay nakatanggap din ng Asiatic Pacific Campaign Medal dahil sa serbisyo sa Pilipinas noong panahon ng digmaan.
Ang Congressional Gold Medal ay sama-samang iginagawad sa ilalim ng Public Law 114-265, na kumikilala sa kanilang tagumpay sa panahon ng digmaan at paglilingkod sa Estados Unidos.
Ang medalya ay sumisimbolo sa kanilang kagitingan, integridad, at walang pag-iimbot na paglilingkod.

