Tulak

Pulis CALABARZON nasansam P1M shabu, nahuli 25 ‘tulak’

7 Views

Live1KAMPO VICENTE LIM, Calamba City— Hindi na nakapalag ang 25 drug suspek matapos lambatin ng mga operatiba ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) at makumpiskahan ng nasa P1.03 milyong halaga ng shabu at kush.

Isinagawa ang 20 anti-drug operations noong Nob. 15-16 at nasabat ang 137.70 gramo ng hinihinalang shabu at 51.91 gramo ng kush.

Pinakamaraming huli ang Cavite Police na nakadakip ng siyam na suspek. Walo ang nahuli sa Laguna, apat sa Batangas at tig-2 sa Rizal at Quezon.

Ayon kay PRO 4A director PBGen. Dominic Baccay, patunay ito na seryoso ang pulisya sa paglilinis ng CALABARZON kontra droga.

Himas-rehas na ngayon ang mga naaresto habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa kanila.