PBB Larawan: Pinoy Big Brother ABS-CBN/FB

Cianne Dominguez, Nicole Fortuna, evicted sa PBB Collab 3.0

188 Views

Sina Cianne Dominguez at Nicole Fortuna ang ikalawang batch ng housemates na na-evict sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3.0 noong Sabado, Nobyembre 21, 2026, matapos makakuha ng pinakamababang porsyento ng boto sa kani-kanilang grupo.

Sa Kapamilya group, nakakuha lamang si Cianne ng 3.98 porsiyento ng boto, habang nakakuha sina Nathan Garcia at Primo Alterado ng pinagsamang 96.02 porsyento.

Samantala, sa Kapuso group, si Nicole ang nakakuha ng pinakamababang boto na 23.92 porsiyento. Nanguna naman si Raheel Bhyria sa 39.65 porsiyento, kasunod si Bela Arcal na may 36.43 porsyento.

Kasabay ng eviction night, nagtapos din ang pananatili sa Bahay ni Kuya ng celebrity houseguest na si Robbie Jaworski. Samantala, inanunsyo rin ng ABS-CBN at GMA ang paghinto ng 24/7 livestream ng programa simula Nobyembre 21, kasunod ng mga usapin tungkol sa paggamit at pagbabahagi ng mga video ng housemates sa social media.