Hot News

Bea hinirang na 3rd runner up sa Miss U 2026

74 Views
Bea
SOURCE: Larawan mula sa IG/Bea Millan-Windorski

HINDI man naiuwi ng Pilipinas ang korona, nagtapos pa rin sa Top 5 si Bea Millan-Windorski matapos hiranging 3rd Runner-Up sa Miss Universe 2026 na ginanap sa San Juan, Puerto Rico.

Nasungkit naman ng pambato ng host country na si Jennifer Barreto ng Puerto Rico ang pinakamimithing titulo bilang bagong Miss Universe, habang pumangalawa ang iba pang mga kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kinatawan ni Bea ang Pilipinas sa ika-75 edisyon ng prestihiyosong beauty pageant at nakapasok sa Top 30, Top 12 at Top 5 bago makuha ang puwestong 3rd Runner-Up.

Kung nagwagi sana, magiging ikalimang Miss Universe crown ito ng Pilipinas. Huling naiuwi ng bansa ang titulo noong 2018 sa pamamagitan ni Catriona Gray.