Calendar
Larawan: DRPH/FB
Katana, itinanghal na ‘Drag Race Philippines’ S4 champion
Wagi si Katana ng Isabela bilang bagong kampeon ng Drag Race Philippines Season 4 matapos talunin si Maureen Biology sa huling lip sync showdown para sa korona.
Sa finale, nagharap ang Top 4 queens na sina Katana, Maureen Biology, Manza at Valeria sa lip sync tournament. Tinalo ni Katana si Manza sa unang round gamit ang kantang “Walang Kaba” ni Marina Summers, habang nanaig naman si Maureen Biology laban kay Valeria sa saliw ng “Halika Na” ni Maxie.
Sa huling labanan, itinanghal na panalo si Katana matapos ang performance sa “Dungka” ng SB19, dahilan upang maiuwi niya ang titulo bilang Philippines’ Next Drag Superstar.
Bukod sa korona, makatatanggap si Katana ng ₱1 milyong cash prize at isang taong supply ng cosmetics mula sa Anastasia Beverly Hills. Samantala, posthumously iginawad kay Misua ang titulong Miss Congeniality, bilang pagkilala sa kanya ng kapwa castmates.
