PAGCOR Nilagdaan nina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco (ikalawa mula kanan) at PAF Chief Lt. Gen. Arthur M. Cordura (ikalawa mula kaliwa) ang Memorandum of Agreement para sa Php150-milyong grant ng PAGCOR sa mga proyekto ng Air Force. Saksi sa pagpirma sina PAGCOR Chief of Staff Ma. Corazon F. De Leon at PAF Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations Col. Jose Romulo Y. Dilag.

PAGCOR naglaan ng P150M sa 3 proyekto ng PAF

36 Views
PAGCOR1
Nilagdaan nina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco (ikalawa mula kanan) at PAF Chief Lt. Gen. Arthur M. Cordura (ikalawa mula kaliwa) ang Memorandum of Agreement para sa Php150-milyong grant ng PAGCOR sa mga proyekto ng Air Force. Saksi sa pagpirma sina PAGCOR Chief of Staff Ma. Corazon F. De Leon at PAF Assistant Chief of Staff for Civil-Military Operations Col. Jose Romulo Y. Dilag.
PAGCOR2
Nagbigay ng mensahe si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco sa MOA signing kasama ang Philippine Air Force noong Nobyembre 25 sa Villamor Air Base sa Pasay City.
PAGCOR3
Si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco (ikatlo mula kaliwa) at ang mga opisyal ng PAGCOR at PAF matapos ang MOA signing.
Kasama rin, mula kaliwa, sina PAGCOR Chief of Staff Ma. Corazon F. De Leon, PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Group Naealla Bainto Aguinaldo, PAF Chief Lt. Gen. Arthur M. Cordura, Vice Commander Maj. Gen. Pablo E. Rustria Jr. at Chief of Staff Maj. Gen. Alvin M. Hate.

NASA P150 milyon ang pondong inilaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa tatlong proyekto ng Philippine Air Force (PAF) para sa pagsasanay ng mga piloto, pagtugon sa mga sakuna, at pagpapabuti ng pasilidad para sa mga kadete.

Pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa grant noong Miyerkules, Nobyembre 25, sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco, kabilang sa mga popondohan ang pagbili ng Redbird Full-Motion Flight Simulator at mga kagamitan sa Collapsed Structure Search and Rescue (CSSR), pati na ang pagtatayo ng barracks para sa mga kadete ng PAF Officers School sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.

Ani G. Tengco, mahalaga ang mga proyekto sa paghahanda ng Air Force sa mga operasyong pangseguridad at sa pagsasanay at kapakanan ng mga tauhan nito.

“We recognize that a strong and capable Air Force requires sustained investment not only in modern equipment and facilities but also in the training, development, and well-being of its personnel,” aniya.

“Kaya naman ikinararangal ng PAGCOR na makatulong sa mga proyektong magpapahusay sa pagsasanay ng ating mga piloto, sa kakayahang tumugon sa mga sakuna, at mas maayos na mga pasilidad para sa mga magiging opisyal ng ating Hukbong Himpapawid sa hinaharap,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ni G. Tengco ang tungkulin ng PAF sa pagbabantay sa himpapawid ng bansa at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

“Alam naming higit pa sa pagbabantay sa himpapawid ng ating bansa ang tungkulin ng Philippine Air Force. Mahalaga rin ang inyong papel sa pagtugon sa mga kalamidad, sa pagsasagawa ng search and rescue operations, at sa paghahatid ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan,” aniya.

“This kind of commitment deserves not only our respect and gratitude, but also our full support,” dagdag ni G. Tengco.

Umaasa ang opisyal na magsisilbing inspirasyon sa mga tauhan ng Air Force ang suporta ng PAGCOR sa kabila ng hirap at sakripisyo sa kanilang serbisyo.

Nagpasalamat si Air Force chief Lt. Gen. Arthur M. Cordura sa PAGCOR at sinabing ang kanilang partnership ang patunay na kayang magkaisa ng mga ahensya ng gobyerno para sa seguridad ng bansa.

“The leadership of the Philippine Air Force would like to express its gratitude to PAGCOR for your valuable time today, for making things happen, and for demonstrating how a public sector entity can really make impactful and significant influence that will really enhance national security,” ani Cordura.

Noong Hunyo, nagkaloob din ang PAGCOR sa PAF ng mga gamot na nagkakahalaga ng Php369,111 para sa medical mission nito.